PNP Zamboanga Del Sur, pinabulaanan ang bantang umiikot sa text

143

Zamboanga Del Sur – Pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) Zamboanag del Sur ang kumakalat na text message na may mga gawing pag-atake ang mga armadong grupo sa mga eskwelahan at mall sa lungsod ng Pagadian.

Nakiusap ang mga awtoridad na tigilan na ang pagkakalat ng mga ganitong impormasyon na nagdudulot lamang ng dagdag na pangamba at walang kasiguraduhan kung totoo.

Sinabi naman ni Provincial Director Pssupt. Alaan Nazzaro na handa silang rumesponde sa anumang banta.


Gayunman, naglatag na ng karagdagang mga checkpoint sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan bilang bahagi ng mas pinaigting na seguridad laban sa banta ng terorismo.

Facebook Comments