PNP Zamboanga, may person of interest na sa pananambang sa dalawang alkalde

Mayroon nang person of interest ang Zamboanga City Police sa pananambang sa dalawang alkalde.

Ayon kay PNP Zamboanga Spokesperson Lt. Mary Agnes Miro, tinitignan nila ang rido o away ng mga angkan at pulitika na motibo sa pananambang kina Al-Barka Mayor Darussalam Saguindilan Lajid at Akbar Mayor Alih Awal Sali.

Aniya, posiblegisa sa mga biktima ay may malalim na hidwaan sa kanilang person of interest sa kanilang lugar.


Matatadaang alas-8:00 ng umaga nitong lunes nang dumating sa Baliwasan Seaside sa Zamboanga City sakay ng motorized boat ang mga biktima nang pagbabarilin ng apat na salarin.

Tumakas din ang mga salarin sakay ng motorized boat.

Facebook Comments