PNR, balik-operasyon na sa April 12

45

Iniurong sa Lunes, April 12, ang pagbabalik-operasyon ng Philippine National Railways (PNR) sa halip na kahapon.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang mahigit 100 personnel nito.


Ayon sa pamunuan ng PNR, hinihintay pa ng kanilang mga kawani ang resulta ng kanilang COVID-19 tests.

Tiniyak naman nito na naka-isolate na ang kanilang mga tauhan na nagpositibo at naka-quarantine na ang mga nagkaroon ng direct contact sa kanila.

Habang ang mga nagnegatibong empleyado naman ay maaaring magtrabaho ngunit kailangan pang sumailalim sa antigen testing.

Facebook Comments