Patuloy na isinusulong ng Ilocos Sur ang kanilang lokal na mga produkto sa ilalim ng One Town, One Product na bahagi na rin ng Ilocos Sur Festival 2025.
Ilan sa ibinida sa Ilocos Sur and Trade Fair ay ang Vigan longganisa, bagnet mula sa Narvacan, balucucha o sugarcane candy ng Sta. Maria, ube jam ng Sugpon.
Hindi lamang pagkain maging ang inabel clothing mula sa Caoayan at Santiago, papaya by-products ng Nagbukel at marami pang iba.
Samantala, hinakayat naman ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga residente, maging ang mga turista na dayuhin at suportahan ang mga local products ng probinsya, bilang pagkilala na rin sa mayamang kultura at culinary ng lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments