Poe, ikinatuwa ang IRR ng batas sa pag-aampon

95

Masaya si Senator Grace Poe sa pagsasapinal ng Implementing Rules and Regulations o IRR ng Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act o Republic Act 11642.

Para kay Poe, ito ay isang mohon sa ating sama-samang mithiing matiyak ang pinakamabuting kalagayan at kinabukasan ng mga bata.

Diin ni Poe, na isa sa may-akda at sponsor ng naturang batas, hindi dapat ipagkait sa sinumang bata ang pagkalinga ng isang pamilya.


Ayon kay Poe, sa pagpapadali sa proseso ng pag-aampon habang tinitiyak ang sapat na proteksiyon para sa bata, ay pinatitibay natin ang bigkis na nagbubuklod sa karapat-dapat na mga magulang at mga batang nananabik na mapabilang sa isang tahanan.

Itinatakda ng batas ang mas simple at angkop na proseso ng pag-aampon at alternatibong pangangalaga sa mga bata.

Isinasantabi nito ang pangangailangang dumulog pa sa korte at itinatakda ang pagtatag ng one-stop shop sa alternatibong pangangalaga ng bata na siyang daan sa mabilis na pag-usad ng mga aplikasyon sa pag-aampon.



Facebook Comments