POEA, maglulunsad ng online jobs fair para maiwasan ang scams

74

Maglulunsad ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maglulunsad sila ng online job fair sa susunod na linggo.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia, layunin nitong maiwasang mabiktima ang mga Pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa ng mga illegal recruiters.


Bukod dito, maiiwasan din ang online scams at mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang link para sa online job fair ay ilalabas sa official website ng POEA.

Napansin nila na dumarami ang bilang ng mga Pilipinong nabibiktima ng online scams lalo na noong mga nakaraang buwan.

Pagtitiyak ni Olalia, mayroon silang iba’t ibang preventive at remedial measures para hindi maloko ng illegal recruiters ang mga Pilipino nais magtrabaho abroad.




Kabilang na rito ang paglalabas ng labor advisories sa mga aplikante.

Paalala ng POEA sa mga aplikante na sumadya lamang sa mga lisensyadong recruitment agencies.

Facebook Comments