POEA, nagbabala kaugnay sa mga pekeng medical certificate

75

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Philippine Overseas Employment Admistration ang mga kababayan nating Pinoy na wag tangkilikin ang mga pekeng medical certificate.

Ito ay sa harap na rin ng sunod sunod na reklamong natanggap ng POEA sa embahada ng Saudi Arabia na may nag-aalok ng medical certicates na accredited ng DOH na hindi dumadaan sa eksaminasyon kapalit ng pera.


Ayon sa POEA, kasong kriminal at administratibo sa ilalim ng revise POEA rules and regulation ang kahaharapin kung sino man ang napatunayang lumabag ditto.

Pinayuhan naman ang mga OFWs applicants na agad isumbong ang mga nag-aalok at gumagawa ng pekeng medical certificates.

Makipag ugnayan lamang sa anti iligal recruitment branch sa numerong 7221189 o sa 7221192 at pwede din mag email sa poea.airb@gmail.com.

Facebook Comments

From Advertisers