POEA, nagbabala sa recruitment agencies na walang job order na huwag mag-hire ng nurses

Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa recruitment agencies na huwag mag-hire ng workers lalo na ng mga nurse na walang job order mula sa foreign employers.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, hindi pwedeng magpapirma ng employment contract ang mga agency kapag wala silang job order.

Ang job order ang palatandaan kung mayroong available na trabaho ang foreign employer at kung wala nito ay hindi dapat tumatanggap ang mga agency ng mga nurse.


Huwag aniya sila bigyan ng ‘false hope.’

Hinimok ni Olalia ang mga nurse na magtungo sa POEA para sila ay makapaghain ng reklamo laban sa mga agency.

Facebook Comments