POEA, sarado sa Jan. 15 para sa disinfection

40

Inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na sarado ang lahat ng kanilang opisina sa January 15 para sa isasagawang sanitation at disinfection.

Bahagi ito ng preventive measures ng ahensya laban sa COVID-19.


Sa abiso ng POEA, ang lahat nilang tanggapan, maging ang iba pang ahensya ng gobyerno at pribadong establisyimentong matatagpuan sa Blas F. Ople Building sa Ortigas Avenue corner EDSA ay sarado muna para sa regular sanitation at disinfection.

Ang mga kliyenteng mayroong appointment o schedule sa nasabing petsa ay tatanggapin kapag nagbalik ng operasyon sa Lunes, January 18.

Humihingi ang POEA sa publiko ng pang-unawa habang tinitiyak nilang ligtas mula sa COVID-19 ang kanilang mga opisina.

Ang mga serbisyo ng POEA ay maaaring i-access online.




Facebook Comments