POGO service providers, itinangging nagtatayo ng illegal clinics para sa COVID-19

40

Iginiit ng Accredited Service Providers Association of PAGCOR (APSAP) na walang illegal clinics na tumatanggap ng empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na pinaghihinalaang tinamaan ng COVID-19.

Nabatid na pinayagan ng pamahalaan na mag-operate ang mga POGO alinsunod sa quarantine protocols at minimum health standards.


Ayon kay APSAP Spokesperson Margarita Gutierrez, mayroong sariling company clinics ang mga lehitimong POGO service providers na nasa loob ng kanilang establisyimento.

Sinabi ni Gutierrez na ang POGO Industry ay hindi limitado sa mga Chinese dahil mayroon din sila mula sa Europe, Vietnam, Thailand, at Taiwan.

Ang mga miyembro ng APSAP ang sumagot sa testing ng mga POGO employee para sa COVID-19.

Facebook Comments