Pokwang, bumuwelta sa kaniyang basher na sinabihan siyang OA

28

‘Next time spread love, huwag puro hate’


Yan ang kalmadong ganti ng aktres na si Pokwang o si Marietta Subong sa tunay na buhay, laban sa basher na sinabihan siyang OA sa ibinahagi niyang litrato kasama ang kaniyang partner na si Lee O’Brian na kuha sa ABS-CBN Ball noong nakaraang taon.

Giit ni Aktres, marami nang pinagdadaanan ang Pilipinas kaya imbes na maghasik ng galit sa mga walang kwentang bagay, magdasal na lang para sa ikabubuti ng lahat.

Ilang followers naman ni Pokwang ang ipinagtanggol at sumuporta sa aktres laban sa nasabing basher.

Mas lalo kasi anilang gumanda ang aktres sa kanilang paningin dahil sa pagiging kalmado sa pag-handle ng mga naninira dito.

Facebook Comments