Pokwang, time out muna sa showbiz para tutukan ang pagbubuntis

22

Manila, Philippines – Pansamantala munang magla-lie low sa showbiz ang comedian actress na si Pokwang dahil sa kanyang pagbubuntis.

Say ni Pokwang, kakaririn muna niya ang kanyang pagbubuntis lala’t may history siya ng miscarriage.

At kahit ilang buwan pa ang hihintayin bago ang kanyang panganganak, mayroon na agad napipisil na pangalan sina Pokwang para sa kanilang baby.

Kung lalaki, lalagyan daw nila ng “William” ang pangalan nito base na rin sa tradisyon ng pamilya ni Lee O’brian at kung babae, posible namang kunin ang pangalan sa ina ni Pokwang.

Umaasa naman ang komedyante na pagkatapos manganak, sunod na nilang paghahandaan ang kasal.

Facebook Comments