Police colonel na naaktuhan sa pot session, pinagmumura ni PNP Chief Dela Rosa

Manila, Philippines – Katakot-takot na mura ang inabot ni Supt. Lito Cabamongan mula kay PNP Chief Ronald Dela Rosa matapos itong dumating sa Las Piñas Police station.

 

Binanggit din ni Dela Rosa ang ginawa ng suspek noong nagpipilit ang police officer na manood ng sine sa isang mall at tumatanggi itong magbayad habang bangag ito sa ipinagbabawal na gamut.

 

Nakumpiska mula sa suspect ang 10 sachet, 3 aluminum foil  at 2 disposable lighters.

 

Patong-patong na kaso ang kakaharapin ni Cabamongan  at posibleng masibak ito sa serbisyo.

 

Nanganganib din na walang makuhang benepisyo ang police colonel sakaling tuluyan itong masibak sa PNP.




Facebook Comments