Police corporal, nagpositibo sa pag-gamit ng shabu, ayon sa NCRPO

158

Isang police corporal na nakatalaga sa Camp Bagong Diwa ang nagpositibo sa paggamit ng shabu.

Ito ang kinumpirma sa pulong balitaan ni NCRPO Chief Brigadier General Debold Sinas matapos lumabas ang resulta ng kanilang surpise drug test na inilunsad noong January 14.


Sinabi ni Sinas na pati sa confirmatory test ay positibo ang police corporal na naka destino sa regional intelligence division.

Umamin naman aniya ang pulis at ibinunyag na may ka pot session siyang madalas sa kampo krame na isa namang police master seargent.

Gayunman, hindi na pinangalanan ni sinas ang sarhento dahil on going pa ang kanilang imbestigasyon.

Pinaaamin na rin aniya nila ang police corporal kung saan nito kinukuha ang suplay ng droga.

Sa ngayon ay dinisarmahan na ang police corporal na nagpositibo sa droga at hinihintay na lamang nito ang summary hearing.

Ani Sinas, siguradong matatanggal na ang nabanggit na pulis sa serbisyo.

Facebook Comments