Police Inambush, Patay sa Monreal, Masbate

Patay ang isang police matapos tambangan ng higit-kumulang 20 armadong kalalakihan sa Sitio Tambarong, bayan ng Monreal sa Masbate. Naganap ang insidente bandang alas 6:20 ng umaga noong September 30, 2017.

Kinilala ang biktima na si PO2 Mervin Capellan, may asawa at tubong Monreal. Si Capellan ay driver ng PCR/PNCO ng Municipal Police Station ng Monreal.

Ayon sa pahayag ng pulisya, bandang alas 6:15 ng umaga, umalis si Capellan lulan ng Mahindra service vehicle ng Monreal Police Station para pumunta sa carwash station na pag-aari ni Dan Gebilaguin.
Habang nasa kahabaan ng kalsada malapit sa dumpsite ng nasabing bayan, tinambangan siya ng hindi pa nakikilalang grupo na nagresulta sa kanyang dagliang kamatayan.


Facebook Comments