Police inspections at patrols, paiigtingin ng PNP

68

Ipinag-utos ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde sa mga police commander nito na magsagawa ng mga regular na inspeksyon at patrol upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Bagong Taon.

Ito ay kasabay ng pagsusulong ng PNP na mabawasan ang bilang ng mga mabibiktima ng paputok sa pagsalubong ng 2019.


Ayon kay Albayalde – iinspeksyunin ang mga tindahang nagbebenta ng paputok para matiyak na sumusunod ang mga ito sa mga regulasyon.

Maiiwasan din aniya nito na pagbebenta ng substandard at illegal firecrackers at iba pang pyrotechnic materials.

Nanawagan ang PNP sa publiko na iwasan na ang paggamit ng mga ilegal na paputok.

Facebook Comments

From Advertisers