Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, pormal nang umupo bilang PNP Chief

Pormal nang umupo sa pwesto si Police Lieutenant General Guillermo Eleazar bilang ika-26 na Hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ginanap ang change-of-ceremony ngayong araw kung saan pinangunahan ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Pinalitan sa pwesto ni Eleazar si Police General Debold Sinas na sasailalim na sa mandatory age of retirement sa Sabado (May 8).


Sina Eleazar at Sinas ay magkaklase sa Philippine Military Academy.

Si Eleazar na ang pang-anim na hepe ng PNP sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ilan sa mga adhikain nito ay ang; mabuting pamumuno at mapunan ang ekspektasyon ng publiko.

Facebook Comments