Police official, nasawi dahil sa COVID -19

45

Isa na namang pulis ang nasawi matapos na maging infected ng COVID-19.

Batay sa report ng Philippine National Police (PNP) Health Service ang panibagong nasawi ay isang Police commissioned Officer, 51-anyos, lalaki na nakatalaga sa Police Security Protection Group (PSPG).

Nasawi ito noong August 15, 2020 pero kahapon lang nai-report sa PNP.

Sya ay pang-19 na pulis na nasawi dahil sa COVID-19.

Samantala, nadagdagan din ng 43 ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa kabuuang 6,270.

Sa bagong mga nagpostibo, 12 nakatalaga sa National Operation Support Unit, 11 sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 7 sa PNP CALABARZON, 5 sa PNP CARAGA, tig-dalawa sa PNP Central Luzon at PNP Northern Mindanao at tig-iisa sa National Administrative Unit (NASU), PNP Western Visayas, PNP Zamboanga Peninsula at PNP SOCCKSARGEN.

Good news naman dahil marami ang gumaling na PNP personnel na naitala kahapon na umabot sa 106 kaya naman umabot na sa 5,344 ang recoveries sa PNP.




Facebook Comments