POLICE REGIONAL OFFICE 1, MAGPAPATULOY ANG PAGHULI SA MGA WALANG FACE MASK

34
Nanindigan ang Police Regional Office 1 na susundin pa rin nito ang mandato ng IATF sa usapin ng pagsusuot ng face mask.
Ito’y matapos na gawing opsyonal ng lokal na pamahalaan ng Cebu ang pagsusuot ng face mask.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay PLTCOL. George Depalog Jr. ibinabase ng pulisya ang kanilang desisyon sa ibinabang programa ng IATF na may kaugnayan sa COVID-19.

Aniya, may mga mangilan-ngilan pang nahuhuli ang pulisya na hindi nagsusuot ng face mask.
Karaniwang idinadahilan ay nakalimutan at hindi pa nakabili ang mga ito.
Gayunpaman, mataas ang compliance ng Region 1 sa pagsunod sa minimum public health standards ayon kay Depalog.
Sa datos ng PRO1 ngayong taon nasa higit 10,000 katao ang naitalang hindi nagsuot face mask o di kaya ay improper wearing of face mask. | ifmnews
Facebook Comments