POLICE REGIONAL OFFICE 1, PINANGUNAHAN ANG SOLIDARITY PACT SIGNING

Isinagawa ang Solidarity Pact Signing bilang pagtitiyak sa maayos na halalan ngayong taon sa PRO1 Auditorium, Camp BGEN Oscar Florendo, Parian San Fernando City , La Union.

Ang Solidarity Pact Signing ay pinangunahan ng Police Regional Office 1 kasama ang ilang ahensya ng gobyerno at iba pang sektor ng lipunan.

Binibigyang-diin ng kasunduang ito ang matibay na ugnayan ng law enforcement agencies at iba’t ibang institusyon sa pagsisiguro ng ligtas at maayos na botohan.

Sa pamamagitan ng Solidarity Pact Signing, ipinapakita ng gobyerno at mga katuwang nitong organisasyon na ang kaligtasan, integridad, at demokrasya ay patuloy na ipaglalaban para sa isang mas maunlad at tapat na halalan sa 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments