Police Regional Office 10, nasa ikatlong pwesto sa pinakamaraming naaresto na mga drug personality sa buong Pilipinas

Cagayan De Oro, Philippines – Nasa ikatlong pwesto ang Police Regional Office o PRO 10 sa pinakamaraming naaresto na mga drug personality sa buong Pilipinas.

Ito ang inihayag ni PRO 10 spokesperson Police Supt. Lemuel Gonda sa DXCC-RMN.

Napag-alaman na mahigit 800 ang nadakip ng kapulisan sa buong Northern Mindanao hinggil sa double barrel alpha reloaded.


Nasa unang pwesto ang PNP region seven at ikalawa ang PNP region 4-A.

Hinikayat naman ni PNP Deputy Chief Director for Administration Ramon Apolinario ang ibang regional offices na doblehin pa ang kanilang ginagawa laban sa iligal na droga.
Nation

Facebook Comments