Police Regional Office 2, Nasungkit ang “Gold Eagle Award” ng PNP Headquarters

213

Cauayan City, Isabela- Humakot ng parangal ang Police Regional Office 2 sa ilalim ng PGS Institutionalized Status kasabay ng Conferment Ceremony sa SINAGTALA P.A.T.R.O.L.ers’ Hall, Center for Police Strategy Management, Camp Rafel BGEN Rafael Crame, Quezon City noong huwebes, July 16, 2021.

Mismong si PNP Chief PGen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang panauhin sa seremonya at kanyang binati ang pamunuan ng PRO2 dahil sa mahusay na pagkilala na ibinigay para sa matagumpay na pagbibigay kasiyahan para sa PGS Institutionalization Stage na nakakuha ng 95.5% rating at maiuwi ang Gold Eagle Award.

Pinuri din ng heneral ang mga nakaraang pinuno ng PRO2 para sa kanilang napakahalagang kontribusyon na humahantong sa pagsasagawa sa institusyonalisasyon ng PGS sa PRO2.


Inihayag naman ni PRO2 Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves ang kanyang lubos na pasasalamat sa Regional Advisory Council at mga stakeholder para sa kanilang kontribusyon sa tagumpay na naabot nila sa kabila kinakailangan para sa PGS Institutionalization Stage.

Samantala,pinuri rin ni Eleazar ang mabuting gawa ng PRO2 partikular ang “Lingkod Bayanihan Libreng Pabahay Project” na maraming natulungan.

Kasama rin sa seremonya sina NAPOLCOM Commissioner Zenonida Brosas, Tuguegarao City Mayor at PRO2 Regional Advisory Council Chairman Attorney Jefferson Soriano, PRO2 Deputy Regional Director for Administration Police Brigadier General Edgar Cacayan at iba pang matataas na opisyal.



Mula sa tatlong (3) Regional Offices na pinagkalooban ng parangal sa Institutionalization Stage, tanging ang PRO2 lang ang nagkamit ng Gold Eagle Award.

Facebook Comments