POLICE REGIONAL OFFICE 2, PATULOY ANG KAMPANYA LABAN SA ILEGAL NA DROGA

CAUAYAN CITY – Sa kampanya ng kapulisan kontra ilegal na droga, nakapagsagawa ang Police Regional Office 2 (PRO2) ng 18 operasyon kung saan 22 katao ang naaresto.

Sa weekly report na inilabas ng PRO2 para sa ika-11 hanggang ika-17 ng Enero, nakapagkumpiska sila ng 29.77 grams ng shabu, habang nasa 241,000 grams naman sa marijuana.

Tinatayang aabot sa P29, 122, 436 nang kabuang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga.


Samantala, patuloy ang pagsugpo ng kapulisan laban sa ilegal na droga para sa isang mapayapa at drug-free na lipunan.

Facebook Comments