Police visibility sa mga paaralan sa Metro Manila, paiigtingin kasunod ng kidnapping incident sa Taguig

COURTESY: Department of the Interior and Local Government

Palalakasin ng Philippine National Police (PNP) ang police visibility sa mga paaralan sa Metro Manila.

Kasunod ito ng pagdukot sa isang estudyante sa Taguig City.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni PNP Anti Kidnapping Group Director Col. Elmer Ragay na nakikipag-ugnayan na ang ilang lokal na police sa mga school administrator.

Ayon kay Ragay bukod sa pamamahagi ng mga materyales o impormasyon kontra kidnapping, mayroon rin silang mobile team na pwedeng i-tap para magsagawa ng lecture kaugnay sa safety tips.

Sinabi rin National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PBGen. Anthony Aberin, paiigtingin nila ang presensya ng kapulisan sa mga lugar na posibleng paggawan ng ganitong krimen.

Pinalalakas na rin nila ang kanilang kampaniya maging sa social media laban sa kidnapping.

Facebook Comments