Polio Vaccination, pwede na ring ma-access sa ilang branch ng isang sikat na Fastfood Chain

Pwede nang pabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak kontra Polio sa ilang piling branch ng kilalang fastfood chain na Mcdonald’s.

Ito’y kasabay ng susunod na round ng Sabayang Patak Kontra Polio Campaign mula Nov. 25 hanggang Dec. 7.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, may mga itatayong Polio Vaccination Hubs sa selected branches ng Mcdonald’s sa Metro Manila at Mindanao.


Ang mga staff ng DOH ay magbibigay ng tatlong doses ng Oral Polio Vaccine.

Ang mga bata sa Bahay Bulilit Learning Centers ng Mcdonald’s ay makakatanggap din ng Polio Immunization.

Maliban sa fastfood chain, plano ng DOH na makipag-partner sa iba pang kumpanya upang mapalawak ang accessibility ng Polio Vaccination.

Facebook Comments