Polisiyang pangkalusugan, dapat gawing malinaw para tiyak makatulong laban sa pandemya

Nanawagan si Senator Joel Villanueva para sa pagpapatupad ng malinaw na patakaran pagdating sa polisiya laban sa pandemya tulad sa paggamit ng face shield matapos ang tila kalituhan sa pagpapatupad nito kamakailan.

Hiniling ni Villanueva sa gobyerno na siguruhing may iisang pagkukuhanan ng malinaw na panuntunan pagdating sa polisiya tungkol sa pandemya upang maiwasan ang kalituhan ng taumbayan.

Diin pa ni Villanueva, kapag malinaw po ang polisiya, ay mas madaling makakapag-adjust ang mga tagapagpatupad at hindi malilito ang publiko.


Facebook Comments