Tila nagiging ugat umano ng korapsyon ang political dynasty o magkakamag-anak na tumatakbo sa politiko ayon sa ilang Dagupeño.
Ani ng ilang nakapanayam ng IFM news team, pabor umano sila kung sakaling i-disqualify ang mga kumakandidatong magkakamag-anak.
Parang nagiging uri na rin umano ito ng “business” sa mga magkakamag-anak na tumatakbo at isinasalin-salin na lamang.
Bigyang Daan umano na magkaroon din ng pagkakataon para sa iba pang personalidad na nais tumakbo sa pwesto upang makapagsilbi sa mamamayan.
Ang iba naman sa mga ito, kahit pa magkakamag-anak ang pumwesto at maihalal, kung wala rin umanong makikitang pagbabago ay wala rin umano itong saysay.
Samantala, ramdam na ramdam na rin ng mga botante ang samo’t saring pakulo na isinasagawa ng ilang kandidato ngayong Midterm Election 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨