Poll-like protocols, gagamitin sa vaccination program

34

Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) ang magiging scenario sa isasagawang COVID-19 immunization program ng pamahalaan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sa ilalim ng National Deployment and Vaccination Plan ay magsisilbing end-to-end guide para sa mga magpapatupad ng vaccination program.


Ang pagpapabakuna ay susundin ang paraan ng Commission on Elections (COMELEC) sa pagsasagawa ng halalan.

Mayroong 4,512 vaccination sites sa bansa.

Mayroong tatlong vaccination teams na binubuo ng anim na doktor, nurses at health professionals o volunteers na papayagan sa bawat vaccination post, depende sa pangangailangan sa isang lugar.

Ang bawat pasyente ay may magbabantay na vaccination team na siyang magre-record, screen at magbibigay ng bakuna at tututok sa kanilang kondisyon.



Gagamit ng makabagong teknolohiya para magparehistro, record at monitor sa mga nabakunahang indibidwal.


Ang Department of Information and Communications Technology (DICT) katuwang ang mga Local Government Unit (LGU) ay bubuo ng online platform na gagawa ng masterlist ng eligible population.

Pakikiusapan ang mga nabakunahan na manatili sa vaccination site ng 30 minuto hanggang isang oras para mabantayan ang kanilang kondisyon para sa posibleng adverse reactions sa bakuna.

Magkakaroon din ng microplanning sa mga LGU para sa pagpapatupad ng vaccination program.

Facebook Comments