POLO-Macau, nagsuspinde na rin ng operasyon sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19 doon

Pansamantala na ring suspendido ang operasyon ng POLO-OWWA sa Macau.

Epektibo ito kahapon, July 11 hanggang sa Lunes, July 18

Kasunod ito ng ipinalabas na executive order ng Macau hinggil sa pagpapatupad ng
suspension sa non-essential activities.


Sa ilalim ng nasabing executive order, lahat ng industriya at commercial companies sa Macau ay obligadong magsuspinde ng kanilang operasyon maliban na lamang sa mga nasa negosyo na may produkto o serbisyo na essential sa komunidad.

Layon nito na mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 doon.

Facebook Comments