PONDO | 2019 national budget, bigong maipasa ng Kamara

Manila, Philippines – Bigo ang Kamara na maaprubahan ang 2019 national budget bago ang kanilang Undas break.

Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, ang panukalang 2019 General Appropriations Act ay hindi kasama sa agenda ng plenaryo sa sesyon.

Aniya, maaaring sa pagbabalik na ng sesyon sa Nobyembre maisasalang sa 3rd reading ang budget.


Paliwanag naman ni Minority Leader Danilo Suarez, hindi naisalang sa 3rd reading ang panukalang budget dahil marami pang kailangang ayusin dito.

Pag-aaralan pa rin aniya ang isinumiteng individual amendments ng mga kongresista sa 2019 budget.

Facebook Comments