PONDO | Campaign fund na ibinigay umano ni Napoles kay Senator Drilon, iimbestigahan

Manila,Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacanang na iimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang impormasyong lumabas na mayroon umanong senador ang humingi ng campaign fund sa tinaguriang Pork Barrel Queen na si Janet Lim Napoles.

Lumabas kasi sa balita na humingi umano si Senador Franklyn Drilon ng 5 milyong piso kay Napoles para sa kanyang kampanya.

Hindi din naman umano ito kasama sa isinumite ni Drilon sa Commission on Elections na Statement of Contribution and Expenditures na kailangang kumpletuhin ng mga tumakbo sa halalan.


Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, iimbestigahan ito ng Department of Justice.
Sinabi pa ng kalihim na hahayaan nalang ng pamahalaan na umiral ang proseso ng batas para maparusahan ang sinumang mapatutunayang nagkasala.

Facebook Comments