PONDO | Internal Revenue Allotment ng Albay inilabas na ng DBM; bahagi ng contingency fund ng lalawigan, maaari nang gamitin

Albay, Philippines – Malugod na ibinalita ng Palasyo ng Malacanang na nailabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang Internal Revenue Allotment ng Albay na pinakaapektadong lalawigan sa Bicol Region ng nagaalburutong bulkang Mayon.

Ayon kay Presidential spokesman Secretary Harry Roque, maaari nang makuha ng Lokal na pamahalaan ang 5% ng kanilang contingency fund para pampondo sa mga pangagngailangan ng mga apektadong residente na ngayon ay mga nasa evacuation centers.

Muli din namang nanawagan ang Malacanang sa mga residente na nasa loob ng 8 kilometer radius ng bulkan na lumikas na dahil sa sitwasyon ng bulkan kung saan iniakyat na ng PHIVOLCS sa alert level 4 ang Mayon Volcano.


Facebook Comments