Pondo ng DPWH sa 2026, tinapyasan na ng higit ₱200 billion —Malacañang

Tinapyasan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng halos 30% ang kanilang proposed budget para sa 2026, matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang masusing pagsusuri dito.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mula sa ₱881.3 bilyon, bumaba na lang sa ₱625.8 bilyon ang panukalang budget ng DPWH matapos alisin ang lahat ng locally funded flood control projects na nagkakahalaga ng ₱252 bilyon.

Hiniling ng DPWH sa Kongreso na ilipat ang naturang pondo sa mga programang makakatulong sa agrikultura, edukasyon, kalusugan, pabahay, paggawa, social welfare at information technology.

Kasabay nito, iniulat ng Palasyo naipa-freeze na ang 135 bank accounts at 27 insurance policies ng ilang personalidad na sangkot sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Facebook Comments