Tuesday, May 12, 2026

Pondo ng mga LGU, palalakasin pa sa gitna ng krisis sa Middle East —PBBM

Pinalalakas ng national government ang pondo para sa mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa halip na patagalin pa sa national government, direktang ibinibigay ang pondo sa mga local government unit (LGU) upang mapabilis ang ayuda.

Mas alam din aniya ng LGU kung sinu-sino ang dapat unahin sa kani-kanilang lugar.

Tiniyak din ng pangulo na palalakasin pa ang ayuda upang mapagaan ang epekto ng krisis sa Middle East sa bulsa ng mga Pilipino.

Kapag tumataas aniya ang presyo ng langis, naaapektuhan din ang presyo ng pagkainat iba pang pangunahing bilihin kaya kailangang umaksyon agad ang gobyerno.

Facebook Comments