Pondo, pangangasiwa at paggagamitan ng Maharlika Investment Fund Bill, nabigyang linaw na ayon kay Sen. Mark Villar

Tiniyak ni Committee on Banks and Financial Institutions Chairman Senator Mark Villar na nasagot ang mga pangunahing ‘concerns’ patungkol sa Maharlika Investment Fund Bill.

Kagabi ay nagkaroon ng briefing ang Senado kasama ang mga economic managers at ilang kongresista para pag-usapan ang Maharlika bill bago ito isalang sa unang pagdinig ng Mataas na Kapulungan na nakatakda bukas, araw ng Miyerkules.

Ayon kay Villar, maraming nailatag na concerns ang mga mambabatas sa ginawang pagtalakay sa isinusulong na sovereign wealth fund.


Ilan sa mga usapin na natalakay ay ang pagkukunan ng pondo, pangangasiwa rito at kung saan ba gagamitin ang pagkakaroon ng MIF.

Sa tingin pa ni Villar, naging maganda naman ang sagot ng mga economic managers at maraming isyu ang napag-usapan na nasagot naman sa pulong.

Facebook Comments