Pondo para mabakunahan ang lahat ng Pilipino, tiyak sa 2022 budget – Malacañang

103

Tiniyak ng Malacañang na may sapat na pondo ang bansa para bumili ng ikatlong COVID-19 vaccine dose para sa lahat ng Pilipino sakaling kakailanganin sa susunod na taon.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasama sa proposed 2022 budget ang pagkakaroon ng third dose para sa lahat ng Pilipino.


Dagdag pa ni Roque na mapapalakas din ang COVID-19 response ng bansa dahil sa 41 billion pesos na makokolekta mula sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation.

Pinapatawan ng excise tax ang inaangkat na alkylate ng Shell.

Iginiit din ni Roque na ang alkylate ay ibang tawag lang para sa unleaded gasoline.

Facebook Comments