Pondo para sa EDSA People Power celebration, dapat na lamang gamitin sa Dengvaxia victims

Manila, Philippines – Iginiit ni Atty. Larry Gadon na sayang lang ang milyun-milyong pondo na inilalaan sa EDSA People Power Commission.

Mungkahi ni Atty. Gadon, mas makabubuti kung ilaan na lamang sa mga biktima ng Dengvaxia ang pondo para dito kaysa sa paggunita sa EDSA People Power 1.

Sinabi niya na mangilan-ngilan lamang naman ang nagpupunta sa naturang okasyon nakalipas na maraming taon.


Tinawag pa ni Gadon na walang kwenta ang EDSA People Power ng aniya ay pekeng bayani na si dating Senador Benigno Ninoy Aquino at asawang si dating Pangulong Cory Aquino.

Una nang nanghamon ang Otso Diretso senatorial candidates sa publiko na samahan sila sa pagdiriwang ng EDSA People Power 1 na nagpatalsik kay dating Pangulong Marcos noong February 1986.

Facebook Comments