Pondo para sa impeachment trial laban kay VP Sara Duterte, aabot ng halos ₱1 million

Hindi hihigit sa isang milyong piso ang ilalaan na alokasyon ng Senado para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, ang gagastusan lang ng Senado ay robe o iyong isusuot ng mga senador dagdag pa ang impeachment IDs para sa mga abogado at sa mga manonood ng live na paglilitis at honoraria sa mga empleyado.

Sinabi ni Escudero na walang dagdag na gastos sa session hall dahil pwede pa namang gamitin ang mga nagamit noong paglilitis ni dating Chief Justice Renato Corona tulad ng witness stand o platform.


Maging ang extrang mesa na ginamit ng mga abogado sa mga nagdaang impeachment trial ay buo pa rin at pwedeng gamitin.

Wala na ring babayaran na dagdag sa kuryente at tubig dahil kahit gabihin ang impeachment trial ay sadyang magdamag naman talaga ang trabaho sa Senado.

Facebook Comments