
Inalmahan ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin ang sinabi ni Alyansa para sa Bagong Pilipinas Campaign Manager Congressman Toby Tiangco na may kapalit na pondo para sa proyekto ang mga mga kongresista na lumagda sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Nakakagulat para kay Congresswoman Garin ang nabangit na pahayag ni Tiangco na pera ang dahilan kaya siya at mayorya ng mga kongresista ay lumagda sa impeachment complaint.
Ayon kay Garin, kailangan nyang sagutin ang pahayag ni Tiangco dahil pangit naman aniyang sabihin na yung mga pumirma sa impeachment complaint ay dahil sa pera at sa mga conditional release.
Giit ni Garin, hindi ito totoo dahil ang pagpabor nila sa impeachment compliant ay bahagi ng kanilang moral obligations.