Pondo sa kalamidad, hindi kukulangin — OCD

Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na sapat pa rin ang pondo ng gobyerno para sa pagtugon sa mga kalamidad hanggang sa katapusan ng taon.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni OCD Spokesperson Junie Castillo, na bago pa man tumama ang sunod-sunod na lindol at bagyo gaya ng Bagyong Tino, ay na-replenish na ang Quick Response Fund (QRF) sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dahil dito, hindi aniya nila nakikitang kukulangin ang pondo at kung sakali mang malaki ang mabawas ay may mga mekanismo ang pangulo para agad madagdagan ang budget.

Kamakailan, inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit ₱700 milyon na karagdagang pondo para sa disaster response upang matiyak ang tuloy-tuloy na ayuda at operasyon ng mga ahensiya sa gitna ng mga kalamidad.

Facebook Comments