Pondo sa pagpapagawa ng mga classroom, pinadadagdagan

Isusulong ni Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na itaas ang pondo sa pagpapagawa ng mga dagdag na silid-aralan.

Ito ang tiniyak ni Gatchalian sa gitna na rin ng simula ng balik-eskwela ng mga estudyante ngayong araw.

Ngayong school year ay tinatayang aabot sa 27 million ang enrollees mula preschool hanggang senior high school.

Ayon kay Gatchalian, tututukan nila sa budget hearing na madagdagan ang pondo para sa pagtatayo ng mga classrooms lalo’t lumalaki ang bilang ng mga nag-eenroll taon-taon.

Titiyakin din ng mambabatas na oras na mabigyan ng pondo ay dapat mabilis ang absorptive capacity o dapat ay mabilis din ang pagpapagawa ng mga classrooms na karaniwang inaabot ng dalawa hanggang tatlong taon bago matapos.

Facebook Comments