Pondong nalikom ng Kamara para sa mga biktima ng Marawi Siege, aabot na sa P13 million

47

Manila, Philippines – Aabot na sa P13 million na pondong nalikom ng Kamara para sa mga biktima ng Marawi Siege.

Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, mayroong 200 kongresista ang nagbigay ng donasyon mula sa kanilang sariling bulsa sa pangunguna ni house Speaker Pantaleon Alvarez mula sa P10,000 hanggang P500,000.

Nag-ambag din aniya sina isabela Gov. Bojie Dy, Isabela Vice Gov. Tony Pet Albano, Ilocos Sur Governor Ryan Singson at Ilocos Norte Board Member Ria Fariñas.

Sabi pa ni Fariñas, ilalagay muna sa trust fund ang nasabing pera habang nagtatatag pa ng isang komite na siyang mangangasiwa kung paano ipapamahagi ng tama ang pera sa bawat pamilyang naapektuhan ng bakbakan sa Marawi City.

Ikinatuwa naman ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu ang naipong donasyon.

Nagpapakita lamang anya ito na sinusuportahan ng ating mga kababayan ang mga naapektuhan ng giyera laban sa mga terorista.

Hinamon naman ni Abu ang mga malalaking kumpanya na tumulong din sa pagbangon ng Marawi City.

Facebook Comments