POOR PERFORMANCE | Ilang kalihim ng administrasyon, posibleng masibak sa pwesto

513

Manila, Philippines – Posibleng masibak sa pwesto ang ilang kalihim ng
kasalukuyang administrasyon dahil sa poor performance sa kanilang trabaho.

Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ay dahil hindi masaya ang
Pangulo sa nagiging trabaho ng ilang kalihim nito.

Matatandaang, una nang napabalita ang usapin ng sibakan sa pwesto matapos
ang kontrobersyal na pagkakabasura ng mga drug case laban kina Peter Lim,
Kerwin Espinosa, Peter Co at iba pa.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Roque na hindi sa susunod na Linggo
mangyayari ang nasabing sibakan.

Facebook Comments