Pope Francis at Pope Emeritus Benedict XVI, natanggap na ang ikalawa at huling dose ng COVID-19 vaccine

103

Natanggap na ni Pope Francis at Pope Emeritus Benedict XVI ang kanilang ikalawa at huling dose ng COVID-19 vaccine.

Nabatid na Enero 14 ng kasalukuyang taon nang bakunahan ang Santo Papa ng bakuna mula kompanyang Pfizer-BioNTech.


Sinimulan na rin noong nakaraang buwan ang pagbabakuna sa ilang residente at empleyado ng Vatican kasama ang kanilang pamilya bilang hakbang ng bansa sa patuloy na paglaban sa COVID-19 pandemic.

Nakatakda ring bigyan ng bakuna ang Vatican Journalist na makakasama ni Pope Francis sa pagbisita nito sa Iraq sa darating na Marso.

Facebook Comments