Pops Fernandez,  kinikilig pa rin daw sa ex-husband na si Martin Nievera

175

Inamin ng singer/aktres na si Pops Fernandez na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya sa kaniyang ex-husband na si Martin Nievera.

Ayon kay Pops, kahit matagal na silang hiwalay ng kaniyang asawang si Martin ay naroon pa rin ang kilig nila sa isa’t-isa.


Hindi raw alam ni Pops kung bakit pero siguro daw ay hindi pa rin nawawala ang “closeness” nila sa isa’t-isa.

Dagdag pa ni Pops, gusto rin ng kanilang mga anak na si Ram at Robin na ganoon pa rin silang mag-asawa.

Samantala, muli namang magsasama on stage sina Pops at Martin sa Chicago, Illinois sa September 6.

Facebook Comments

From Advertisers