Population protection, dapat munang makamit – Roque

20

Mas makabubuti para sa mga senior citizens kahit na nabakunahan na laban sa COVID-19 na manatili pa rin sa loob ng kanilang mga bahay hanggang sa maabot ng bansa ang population protection.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagpapahintulot sa mga senior na lumabas at magtungo sa mga mall ay nakadepende sa ikatatagumpay ng bansa na maabot ang population protection.


“So let us veer on the safer side na hanggang wala pang population protection, habang hindi pa natin nababakunahan ang 70 percent ng ating populasyon, stay at home po muna ang ating mga lolo at lola,” sabi ni Roque.

Dapat nasa loob lamang ng bahay ang mga senior dahil hindi na matibay ng kanilang resistensya kumpara sa mga bata kahit sila ay fully vaccinated na.

Pero paglilinaw ni Roque na hindi nila pinagbabawalan ang mga senior na lumabas dahil pwede pa rin silang lumabas para bumili ng kanilang pangangailangan at mag-ehersisyo.

Facebook Comments