Pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles, humirit na mailipat siya sa kustodiya ng National Bureau of Investigation

Manila, Philippines – Hiniling ngayon ng kampo ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles sa Department of Justice (DOJ) na mailipat siya sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kasunod ito ng pagpapawalang sala sa kanya ng Court of Appeals sa kasong illegal detention na isinampa ng whistle blower na si Benhur Luy.

Ayon sa abogado nitong si Atty. Stephen David, dapat lang na mailipat ng kustodiya si Napoles dahil para lamang sa mga convicted na preso ang Bureau of Corrections.


Kasunod na rin ito ng pahagay ni DOJ Sec. Vitaliano Aguirre na pwedeng gawing state witness sa pork barrel scam si Napoles.

Kaugnay nito, nakatakda umanong makipagpulong si Aguirre sa mga abogado ng tinaguriang pork barrel queen.

DZXL558

Facebook Comments