Pormal na pagpasok sa 2019 Asian Cup, target ng Philippine Azkals sa Nepal

31

Manila, Philippines – Kahit tumabla sa Yemen kagabi, may dalawang pagkakataon pa ang Philippine Azkals na makapasok sa tournament proper ng 2019 Asian Cup sa United Arab Emirates.

Ayon kay Team Manager Dan Palami, kung muling tatalunin ng Azkals ang Nepal sa Kathmandu sa Nobyembre katorse ay garantisado na makakarating sa Asian Cup ang Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon.

Tinalo ng Azkals ang Nepal, 2-0 sa una nilang laban. Kasalukuyan nasa unahan ng Group F ang Azkals sa kanilang 8 points. Nasa pangalawang puwesto ang Yemen at Tajikistan na may tig anim na puntos.

Sabi naman ni Azkals coach Thomas Dooley “We will seal the deal in Nepal.”

Facebook Comments