Pormal nang nanumpa ang 1,800 na mga bagong abugado

33

Isinagawa ang Oath Taking kanina ng mga pumasa sa 2018 Bar exams sa Special En Banc session ng Korte Suprema sa Philippine International Convention Center.

Ang mga bagong abugado sa bansa ay pinangunahan ng Bar Topnotcher na si Atty Sean James Borja ng Ateneo Law School.


Pinaalalahanan naman ni Supreme Court Associate Justice Estela Perlas Bernabe ang mga bagong abugado na magpursige sa kani-kanila law practice, ‘wag ikompromisio ang kanilang integridad at bilang mga millennials hinimok nya silang ipagpatuloy lang ang pagiging technologically-savvy, resourceful, at socially-minded para makasabay sa mabilis na paglago ng teknolohiya ngayon na magagamit naman sa kanilang propesyon.

Facebook Comments

From Advertisers