PORN PA MORE | Higit 30 empleyado ng US embassy sa Cambodia, sinibak!

87

Cambodia – Sinibak ng embahada ng Estados Unidos sa Cambodia ang 32 nitong empleyado.

Kabilang sa 32 empleyado ay Cambodians at Cambodian-Americans na gwardiya at clerical staff ng embahada.

Nabisto kasi ang mga empleyado na nagbibigayan ng pornographic material sa isang non-official chat group.

Sa isang facebook messenger chat group, dito na nakita ang mga porn videos at pictures kabilang ang ilang larawan ng mga menor-de-edad.

Kinumpiska ang kanilang mga ID at sinuri ang kanilang mga mobile phone.

Facebook Comments